24 katao nawawala sa landslide sa Japan

Patuloy na pinaghahanap ng rescue team ang 24 katao matapos matabunan ng putik dahil sa landslide sa Atami, Japan.

Ayon sa ulat, nagdadalawang isip ang rescue team na gumamit ng heavy machinery sa angambang matamaan ang mga natabunan ng putik.

Umaasa ang mga awtoridad na buhay pa ang 24 katao na nawawala.

Nabatid na aabot sa 36,000 katao ang populasyon sa Atami na nasa southwest ng Tokyo at kilala dahil sa mga hotspring resort.

 

Read more...