12 milyong katao sa Pilipinas naturukan na ng COVID-19 vaccines

Pumalo na sa 12 milyong katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay National Task Force Deputy Chief Implementer Vince Dizon, sa nakalipas na apat na araw, umabot sa isang milyon ang nabakunahan.

Sa ngayon, nasa 17.4 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong Filipino para maabot ang population protection.

Una rito, umaasa ang pamahalaan na makapagdiriwang na ng Pasko ngayong taon ang Pilipinas na hindi na kailangan na magsuot ng face mask at face shield bilang pangontra sa COVID-19.

 

 

Read more...