‘Acceptable intervals’ ng COVID-19 vaccines isinapubliko ng DOH

Tinukoy na ng Vaccine Expert Panel ang bilang ng mga araw sa pagitan ng first at second dose ng COVID-19 vaccines na sinasabing ‘acceptable intervals.’

Sinabi ni Health Undersecretary  Ma. Rosario Vergeire ang mga inirekomendang intervals sa una at ikalawang dose ng bakuna ay ang mga sumusunod;

Pfizer – BioNtech, 42 days

Moderna, 42 days

CoronoVac (Sinovac), 28 araw

Sputnik V (Gamaleya), 90 araw

Ayon pa sa tagapagsalita ng DOH katatanggap-tanggap pa rin na pagitan ng dalawa vaccine shots ay hanggang anim na buwan.

Paliwanag niya, nangangahulugan lang ito na hindi na kailangan pang magpa-1st dose muli kung tumagal ang pagturok ng second dose basta pasok sa ‘acceptable intervals.’

Paalala lang ni Vergeire, kung maari naman nang magpaturok ng second dose ay hindi na dapat na patagalin pa ito o hindi sumipot sa kumpirmadong schedule ng second dose.

Binanggit nito na ang mga hindi lang maaring magpaturok ng second dose ay ang mga nahawa ng COVID-19 matapos ang kanilang 1st dose at naka-quarantine.

Read more...