Baguio City, tumatanggap na ng fully vaccindated na turista

Inanunsiyo ng Baguio City government na tumatanggap na sila ng fully vaccindated na turista kahit walang iprisintang negatibong resulta ng RT-PCT swab test.

Sa Facebook, naglabas ng abiso ang Baguio Tourism na ang COVID-19 vaccination card o certificate ay maaring gamitin bilang alternatibo sa negatibong COVID-19 test result.

Gayunman, kailangan pa ring sundin ang requirements at protocols sa pagbisita sa nasabing lugar.

Kabilang dito ang pagpre-register sa visita.baguio.gov.ph, pagkuha ng QR-coded Tourist Pass, at pagsailalim sa triage pagkadating sa Baguio.

Pwedeng bumisita ang mga fully vaccindated anuman ang edad basta’t manggagaling sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ.

Kailangan din ang patuloy na pagsunod sa health protocols habang nasa Baguio.

Paalala ng Baguio Tourism, maikokonsidera bilang fully vaccinated dalawang linggo matapos ang pagturok ng huling dose ng COVID-19 vaccine.

Read more...