Tinawag na panis ni Senator Christopher Go ang mga bintang sa kanila ni Pangulong Duterte ni dating Senator Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Go, noon pang 2018 noong senador pa si Trillanes ay hinamon na niya ito na sampahan na siya ng mga kaso kaugnay sa sinasabing pakinabang niya sa mga proyekto sa Davao City.
Pagdidiin ng senador malinis ang kanyang konsensiya at hindi niya uurungan si Trillanes.
Dagdag pa nito, sa ibang tao ay nakakapagbigay siya ng tulong ngunit ang kanyang mga kaanak at hindi makalapit sa kanya para gamitin ang kanyang impluwensiya.
Ipinagtataka din ni Go ang paggiit ni Trillanes na pandarambong ang ginagawa nil ani Pangulong Duterte gayung may mga abogado ang dating senador na maaring bigyan linaw ang kanyang pag-iisip.
Aniya sa halip na tumulong ay nilalason pa ng dating senador ang isipan ng taumbayan at dahil papalapit ang eleksyon ay nire-recycle nito ang mga isyu.