Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 184,573,165 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,592,377 cases.
Sumunod na rito ang India na may 30,585,229 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 18,769,808 naman ang kaso sa Brazil habang 5,786,203 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 5,610,941
– Turkey – 5,444,786
– United Kingdom – 4,903,434
– Argentina – 4,535,473
– Colombia – 4,350,495
– Italy – 4,263,317
– Spain – 3,833,868
– Germany – 3,738,451
– Iran – 3,254,818
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,993,577 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 168,921,359 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.