Pagputok ng nag-aalburutong Bulkan Taal posible pa rin – Phivolcs

Hindi isinasantabi ng Phivolcs na maulit ang pagputok ng Bulkang Taal noong nakaraang Huwebes base sa mga naitalang aktibidad.

Ibinahagi ni Phivolcs Dir. Renato Solidum na ang sulfur dioxide emission ng bulkan sa huling 24 oras ay 22,628 tonelada, ang pinakamataas na naitala.

Dagdag pa niya ang tinatawag nilang ‘upwelling of volcanic gas’ sa bibig ng bulkan ay nagpapatuloy.

“This means there’s a possibility that a similar phreatomagmatic eruption last Thursday may occur in Taal Volcano area,” sabi ng opisyal at dagdag niya; “the explosion can trigger pyroclastic density current that can move horizontally and move across lake water.”

Paliwanag pa ni Solidum, hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng pagkakaroon ng volcanic tsunami kapag pumutok ang bulkan at aniya mas makakabuti kung magkakaroon ng lava fountaining at pag-agos ng nagbabagang putik.

Ngunit paglilinaw din ng opisyal  maari din naman na hindi na pumutok ang Bulkang Taal.

Read more...