Itinutulak ni Senator Sonny Angara ang libreng medical check-ups kada taon sa lahat ng Filipino para regular na nalalaman ang kondisyong-medikal ng lahat.
Puna ni Angara marami pa rin ang hindi nagpapatingin o nagpapakonsulta sa doktor at lalapit lang kung seryoso o kritikal na ang kalagayan.
Aniya isa sa mga pangunahing dahilan ay ang kawalan ng pambayad o pag-iisip na malaki ang kanilang babayaran sa medical check-up.
Bunga nito, mas pinipili na lang nila ang ‘self-care’ o mga alternatibong pamamaraan kasama ang pagpunta sa albularyo.
“Undergoing annual medical check-ups are considered as essential especially at this time when we are facing a pandemic that has already resulted in the deaths of over 20,000 individuals and the infection of close to 1.4 million in our country. Early detection of potentially deadly ailments such as heart diseases or diabetes can save lives,” ayon sa isa sa mga nagtulak sa Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Act.
Sa inihain niyang Senate Bill 2297, layon ni Angara, na mabigyan ng libreng taunang medical check up ang lahat ng Filipino bilang bahagi ng kanilang mga benepisyo sa Philhealth sa ilalim ng UHC.
Aniya ang check-up at laboratory examination ay isasagawa sa Philhealth-accredited medical facilities.
“The right to health is a fundamental right and as such no Filipino should be deprived of basic health services. Every Filipino, rich or poor, should have access to these annual check-ups and consultations with physicians,” diin ni Angara.