48 volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal

Aabot sa 48 na volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sa ngayon, nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Nakapagtala ang Phivolcs ng tatlong phreatomagmatic eruptions simula kahapon ng umaga.

Umaabot sa average na 10,254 tonnes per day sulfur dioxide emission ang ibinubuga ng bulkan simula noong July 2.

Paalala ng Phivolcs, off limits pa rin ang pagpasok sa mgahigh risk barangays sa Agoncillo at Laurel.

Ipinagbabawal din ang pangingisda sa Taal Lake.

Pinapayuhan din ng Phivolcs ang mga piloto na iwasang lumipad malapit sa Bulkang Taal dahil sa posibleng biglaang pagsabog o pagbuga ng pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, at poisonous gas.

 

Read more...