Ilang baybaying dagat sa bansa positibo sa red tide

Positibo sa red tide ang mgashellfish na nakukuha sa iba’t-ibang baybaying dagat sa bansa.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) positibo sa red tide ang coastal waters ng Milagros sa Masbate; Sorsogon Bay sa Sorsogon; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.

Positibo rin sa red tide ang baybaying dagat ng Irong-irong Bay sa Western Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; Murcielagos Bay (Sapang Dalaga and Baliangao) sa Misamis Occidental; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Positibo rin sa red tide ang  Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Ayon sa BFAR, bawal kainin ang mga shellfish lalo na ang alamang.

Maari namang kainin ang isda, posit, hipon at crabs basta’t hugasan lamang ng Mabuti at lutuin ng maayos.

Kinakailangan na tanggalin din ang kaliskis, hasang at iba pang lamang loob bago lutuin.

 

Read more...