Aabot sa 6,192 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.
Batay sa talaan ng Department of Health, nasa 1,424,518 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19.
Sa naturang bilang, 55,482 ang active cases kung saan 91.5% ang mild, 3.8% ang asymptomatic, at 2.0% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kalagayan.
Aabot naman sa 177 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.
Sa kabuuan nasa 24,973 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES