Umabot na sa 11 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na.
Ayon kay National Task Force Deputy Chief Implemented Vince Dizon, sa nakalipas na apat na araw lamang, simula noong Lunes, isang milyon na ang naiturok.
Sinabi pa ni Dizon na kung mas marami pa ang suplay ng bakuna sa bansa, mas marami pa ang matuturukan at mabibigyang proteksyon kontra COVID-19.
Sa ngayon, nasa 17 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.
Kabilang na rito ang bakunang gawa ng Sinovac mula China, Pfizer mula Amerika, AstraZeneca, Sputnik V mula sa Russia at Moderna.
READ NEXT
Globe Telecom nag aalok ng libreng tawag, WiFi sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal
MOST READ
LATEST STORIES