Walang aasahang major eruption sa Bulkang Taal ngayong araw, July 2.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, ito ay base sa nakikita sa mga instrumento na inilagay sa bunganga ng bulkan.
Gayunman, sinabi ni Solidum na mahigpit pa ring babantayan ng kanilang hanay ang aktibidad ng bulkan.
Paliwanag ni Solidum, nakalabas na ang maraming gas ng bulkan kung kaya walang aasahang major eruption.
Wala aniyang naitala ang Phivolcs na phreatomagmatic bursts mula sa bulkan hanggang kaninang 7:30 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES