(Palace photo)
Dapat na ikunsidera na ngayon ng taong bayan bilang kandidato sa pagka-bise presidente si Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na 2022 national elections.
Pero ayon sa Pangulo, ang problema kapag nanalo siyang bise presidente at hindi naman kaalyado ang mananalong presidente ng bansa, sasali na lamang siya sa mga pulis at sundalo sa paglaban sa krimen, droga, at iba pa.
“Ah iyon nasabi ko sa iyo. Maybe at this time you can say that — maybe para to maintain the equilibrium sa lahat, consider me a candidate for the vice presidency at this time,” pahayag ng Pangulo.
Una nang sinabi ng Pangulo na magandang ideya kung tatakbo siyang bise presidente dahil may mga programa pa siyang hindi natatapos ipatupad.
“Ngayon, kung tatakbo ako ng vice president, manalo ako, kung hindi ko kaalyado ‘yang presidente, all I have to do is to join the military and the police in the fight against crime, drugs, especially criminality and all, and also maybe go around the ASEAN countries for a more cohesive relation between them kasi wala na ako eh,” pahayag ng Pangulo.