Alas otso ngayong umaga, July 2, ay magtitipon sa UP-Diliman sa Quezon City ang civil society organizations, religious groups, academe, fraternities, transport organization at mga dating local officials, upang hikayatin si Manila Mayor Isko Moreno na tumakbong pangulo sa darating na 2022 presidential elections.
Kasabay nito ay ilulunsad ng grupo ang “Ikaw Muna Pilipinas Movement” na kinabibilangan ng multi-sectoral group na manggagaling sa Metro Manila, Rizal at Cavite.
Pangungunahan ang nasabing pagtitipon ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA) general manager at “Ikaw Muna Pilipinas” Lead Convenor Tim Orbos.
Kabilang sa inaasahang magpapahayag ng kanilang mensahe ng pagsuporta sa ang Constitutionalist at Dean of Graduate School of Law ng San Beda College na si Fr. Ranhilio Aquino.
Sa nasabing pagtitipon ipapahayag ng grupo ang kanilang mga naging basehan kung bakit naniniwala silang si ‘Yorme’ ang karapat-dapat na susunod na maging pangulo ng Republika ng Pilipinas sa sandaling napag-desisyunan na nitong kumandidato para sa 2022 elections.