Sa State of the Nation the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte noong nakaraang taon, pinuna niya ang estado ng internet connection sa bansa.
Hinamon niya ang PLDT at Globe Telecom na pagbutihin ang kanilang serbisyo at nagbago ang internet speed sa bansa.
Base sa ulat ng Ookla Speedtest Global Index, ang average download speed sa bansa ay patuloy na bumibilis, ang fixed broadband ay tumaas pa sa 66.55Mbps noong nakaraang buwan mula sa 58.7Mbps noong Mayo o 13.32 percent na pagtaas.
Nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte noong 2016, bumilis na ng 741.34 percent ang bilis ng internet connection gamit ang fixed broadband.
Noong Hunyo ang naitalang mobile speed ay 32.84Mbps mula sa 31.97Mbps noong Mayo at bumilis na ito ng 341.40 percent simula noong 2016.
Pinaniniwalaan na malaki din ang naitulong ng utos ni Pangulong Duterte sa mga lokal na pamahalaan na madaliin ang pagpapalabas ng permits para mas maraming pasilidad, cellsites at fiber optic network, ang maitayo ng telcos, na nagresulta naman sa mas mabilis na connectivity.