COVID 19 cases sa Pilipinas lumubo pa ng 5,795, kabuuang bilang pumalo sa 1,418,337

Iniulat ng Department of Health na nakapagtala ng karagdagang 5,795 COVID 19 cases sa bansa ngayon araw.

Bunga nito, tumaas sa 1,418.337 ang tinamaan ng nakakamatay na sakit sa bansa simula noong nakaraang taon.

Kasabay nito, 2,859 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling para sa kabuuang bilang na 1,341,973.

Samantala, may 135 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi para sa kabuuang bilang na 24,797.

Ipinapalagay na 3.6 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga nagkasakit ay aktibong kaso o 51,567.

Read more...