2 ‘pulis,’ 3 hijackers patay sa highway shootout sa Benguet

PNP PHOTO

Hindi na nagpahuli ng buhay ang limang hinihinalang hijackers sa tumugis sa kanilang mga pulis sa Tuba, Benguet kahapon.

Nakipagbarilan na sa mga tauhan  ng PNP – Highway Patrol Group at Tuba Police ang mga hindi pa nakikilalang suspek, na ang dalawa ay kapwa naka-uniporme pa ng PNP.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang HPG kaugnay sa pagtangay sa isang wing van truck kayat nagkaroon ng hot pursuit operations katulong ang mga lokal na pulisya.

Sa bahagi ng Marcos Highway sa Tuba ay inabutan na ang mga suspek, na sakay ng isang SUV at ng tinangay nilang delivery truck.

Unang nagpaputok ang mga suspek kayat ginantihan sila ng mga pulis hanggang mapatay na silang lima.

Isa sa mga suspek ay naka-general office attire (GOA) uniform ng PNP, samantalang ang isa naman ay naka-athletic police uniform.

Nakakuha ng PNP IDs sa dalawang napatay bagamat hindi pa nakukumpirma kung sila ay kapwa totoong pulis.

Read more...