Phoenix, nag-init kontra Los Angeles, sinungkit NBA West crown

DEEP HOOPS FACEBOOK PHOTO

Makalipas ang halos tatlong dekada umabot muli sa NBA Finals ang Phoenix Suns.

Sinunog ng Suns ang Clippers, 130 – 103, sa Game 6 para tanghaling Western Conference Finals champions.

Huling umabot sa Finals ang Suns noong 1993 sa pamamagitan ni Charles Barkley at ngayon taon, si Chris Paul ang kumamada para tiyakin na wala ng mangyayaring Game 7.

Bumawi ang Suns sa nakakapaghinayang na pagkatalo noong Game 5.

Hihintayin na lang ng Phoenix ang pagtatapos ng Eastern Conference Finals sa pagitan ng Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks na table ang kartada, 2-2.

Read more...