Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, OIC ng DOH Epidemiology Bureau, ito ay dahil sa negative growth rate ng mga kaso gayundin ang mababang average daily attack rate o ADAR.
Sa ibinigay niyang mga datos, nakapagtala ng negative 9 percent growth rate sa bansa sa huling dalawang linggo, kumpara sa 15 growth rate sa mga nakalipas na tatlong hanggang apat na linggo.
Samantala,ang ADAR sa bawta 100,000 populasyon sa nakalipas na dalawang linggo ay nasa 5.42 na mababa sa sinundan na 5.96.
“Dahil negative ang ating two-week growth rate at ang ating ADAR ay naka-moderate risk na at 5.42, the risk classification nationally is already at low risk,” sabi pa ni De Guzman.
Ikinukunsiderang high risk kapag umabot sa 7 per 100,000 population ang ADAR gaya ng Davao Region, Western Visayas, Soccsksargen at Eastern Visayas.
Nasa moderate risk naman ang Caraga at Central Visayas, samantalang low risk ang Metro at ang mga natitirang rehiyon ng bansa.