Sa mensahe ni Sen. Christopher Go, sinabi nito na ang Malasakit Center ay pagtitiyak na nasusunod ang ‘right to access to health care services’ ng mamamayang Filipino.
Ang binuksan Malasakit Center ay pangalawa na sa Mountain Province at pang-anim sa buong Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa ‘virtual launching’ humingi ng paumanhinsa Go sa hindi personal na pagdalo dahil hindi kaaya-aya ang lagay ng panahon.
“Ayaw ko naman ipagpaliban ang pagbubukas nito dahil marami ang nangangailangan ng tulong. Lalo na ngayong may pandemya, maraming pasyente ang gustong makahingi ng tulong mula sa gobyerno para sa kanilang pampagamot,” aniya.
Paliwanag niya ang Malasakit Center ay one-stop shop para sa mga nais humingi ng tulong sa DOH, DSWD, Philhealth at PCSO para sa tulong-pinansiyal sa pagpapa-ospital.
Ibinahagi ng senador na siya ang nagsulong sa RA 11463 o ang Malasakit Center Act of 2019, na nagtataguyod na ang lahat ng mga ospital na nasa pangangasiwa ng DOH ay kinakailangan magkaroon ng Malasakit Center.
Paliwanag pa ni Go na ang mga ospital na pinangangasiwaan ng mga lokal na pamahalaan ay maaring magkaroon ng Malasakit Center
Kasunod ng seremony, namahagi din ang grupo ni Go ng mga pagkain, vitamins, masks at face shields sa 261 frontline health workers.
May mga tumanggap din ng bagong sapatos at bisikleta at tablets.