4,509 nadagdag sa bilang ng COVID 19 cases sa bansa – DOH

Ngayon araw nadagdagan ng 4,509 ang bilang ng tinamaan ng COVID 19 sa bansa.

Sa 4pm update na inilabas ng DOH, nadagdagan ang bilang ng mga gumaling ng 5,839, samantalang may 105 naman ang nasawi.

Sa kabuuang bilang ng mga kaso na 1,412,559, 48,649 o 3.4 porsiyento ang aktibo, nasa 1,339,248 o 94.8 porsiyento ang gumaling at 24,662 na ang namatay o 1.75 porsiyento.

Base ito sa mga datos na naisumite sa COVID 19 Document Repository System noong nakaraang Lunes, Hunyo 28.

May pitong duplicates naman ang ibinawas sa kabuuang bilang at lima sa kanilang ikinunsiderang gumaling.

Bukod dito, may 49 kaso na unang napa-ulat na gumaling ang napatunayan naman na namatay.

Read more...