Pagbubukas ng mga negosyo sa Metro Manila posible kapag nabakunahan ang 30% ng populasyon

Maari nang magbukas ang mga negosyo sa Metro Manila kapag nabakunahan na ang 25 hanggang 30 porsiyento ng populasyon ng kapitolyong rehiyon.

Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David  bunga na rin ng lumiliit na bilang ng COVID 19 cases at nakakahinga na ang mga ospital sa mga kaso.

Gayundin nabanggit niya na nanatiling mababa sa limang porsiyento ang positivity rate.

Sinabi niya na ang bilis ng vaccination rollout ang isa sa ikukunsidera sa pagbubukas ng mga negosyo sa Kalakhang Maynila.

Pinansin niya na sa ngayon ang average na nababakunahan sa bansa ay 270,000 kada araw.

“Our target is 25 to 30 percent of vaccination sa NCR. Minimum yan, not yet population protection. What we are seeing in other countries, once they reach 25-30 percent nagde-decrease na talaga ang cases,” sabi niya.

Puna din nito, marami na ang nagsusuot ng face mask at sumusunod sa social distancing kayat mapapabilis ang pagsigla muli ng ekonomiya.

Binanggit din niya na sa ibang bansa kapag nabakunahan na ang 60 percent ng target ng mga dapat mabakunahan ay pinalalabas na rin ang mga bata kayat sabi ni David dapat ay pag-usapan na rin ang pagbabakuna ng mga bata.

Gayunpaman, paalala lang nito kailangan ay mahigpit pa rin na ipatupad ang basic health and safety protocols kapag nagbukas na ang mga negosyo.

Read more...