Sen. Manny Pacquiao baka absent sa presentasyon ng paggasta ng DOH – Malakanyang

Dumipensa ang Malakanyang sa pagkasa ni Senator Manny Pacquiao sa naging hamon sa kanya ni Pangulong Duterte na kilalanin ang mga naiisip nitong mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa korapsyon.

Sa tugon ni Pacquiao sa hamon ng Punong Ehekutibo ay binanggit nito si Health Sec. Francisco Duque III.

Ngunit sa buwelta ng Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na maaring absent su Pacquiao o may ibang pinagkakaabalahan nang iprisinta ng DOH sa Senado ang mga pinagkagastusan ng pondo para sa pagtugon sa COVID 19 crisis.

“Sa akin po, absent po siguro si Senator Pacquiao noong nagprisinta yung mga cabinet secretaries or kung hindi siya absent he may have been preoccupied with something else,” sabi ni Roque.

Dagdag pa nito, nang matapos ang presentasyon ay wala naman naging reklamo laban kay Duque.

Tinukoy na rin nito na pulitika ang dahilan kayat panay na ang batikos ni Pacquiao sa administrasyon.

“Pulitika po talaga. Pulitika po ang katapusan nito. Tingin ko maghuhusga ang taong bayan kung sino talaga mamumuno sa 2022,” aniya.

Read more...