Hawks nakatabla, 2-2, kontra Bucks sa NBA East Finals series

ATLANTA HAWKS FACEBOOK PHOTO

Hindi naramdaman ng Atlanta Hawks ang pagkawala ni All-Star point guard Trae Young  nang pataubin nila ang Milwauke Bucks, 110 – 88, sa Game 4 ng NBA Eastern Confernce Finals series.

Tabla na sa 2-2 ang kartada ng dalawang koponan.

Hindi nakapaglaro si Young dahil sa ankle sprain noong Game 3.

Pagpasok ng ikalawang yugto ng laban ay dahan-dahang nang lumayo ang Hawks sa pagpasabog ng 26 puntos laban sa 16 ng Bucks.

Nabaon pa lalo ang Bucks sa ikatlong yugto nang manakit ang tuhod ni two-time Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo at hindi na ito nakabalik sa paglalaro.

Binanderahan ni Lou William ang Hawks sa kanyang 21 puntos at nag-ambag naman ng 20 puntos si Bogdan Bogdanovic.

Si Jrue Holiday ang nanguna sa Hawks sa nagawa niyang 19 puntos.

Read more...