Katuwiran ni de Lima, malaking hamon na ang pagtuturo ng mga batas sa mga pulis.
Ipinaalala niya ang mga kaso ng pagpatay ng mga abusadong pulis sa mga walang kalaban-laban na sibilyan sa pagtatanong na, “ilang trigger-happy na pulis na ba ang basta-basta na lang namaril?
“Ang laking problema na nga na ituro yung tamang batas sa kapulisan natin, gusto pa natin isama sa kaguluhan ang mga pribadong mamamayan,” diin nito.
Diin pa niya kung hindi kayang kontrolin at disiplinahin ng pamunuan ng PNP ang kanilang mga sariling tauhan, mas imposible na magagawa nilang kontrolin ang mga armadong sibilyan.