Hinamon ni Senator Panfilo Lacson ang PNP na patunayan muna na kaya nilang protektahan ang mamamayan bago pa ikonsidera ang pag-armas sa mga civilian volunteers.
“The PNP should make it a point first to show that it is efficient, professional, and competent to protect civilians on the streets from malefactors – including those with unlicensed guns and irresponsible gun holders that make them a threat – before it issues PTCFORs to deputize civilian ‘volunteers’ as force multipliers,” paliwanag ni Lacson.
Katuwiran niya, maaring pagdudahan ng publiko ang PNP sa kakayahan na protektahan sila o maari silang manghingi ng tulong sa mga pulis.
Ikinatuwa na rin ng senador ang pahayag na pag-aaralan pa naman ang naging pahayag ni Pangulong Duterte na pag-aarmas sa civilian volunteers mula sa ibat-ibang grupo.
Muli lang din iginiit ni Lacson na ang kailangan din gawin ng PNP ay higpitan ang pagbibigay ng permit to carry firearms outside residences maging sa mga opisyal ng gobyerno, itinalaga o halal man.
Ibinigay pa niyang halimbawa ang yumaong Sen. Miriam Defensor-Santiago na unang nakiusap na ‘non appearance’ sa Camp Crame para makakuha ng PTCFOR sa pamamagitan ng kanyang asawa na si dating DILG Usec. Narciso Santiago.
Ngunit ayon kay Lacson hindi napagbigyan ang senadora at sumunod ito sa proseso kayat naitama pa niya ang mga mali sa exam kayat nakatulong pa ito sa PNP.