Malakanyang humingi ng patawad sa LGUs sa delay sa COVID 19 vaccines delivery

Nag-sorry ang Malakanyang sa mga lokal na pamahalaan kaugnay sa pagkakaantala ng delivery ng kanilang suplay ng COVID 19 vaccines.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque kinakailangan na hintayin ang Certificate of Analysis mula sa mga manufacturer ng bakuna.

Ilang araw ng natigil ang pagpababakuna sa Maynila, Taguig City at Makati City dahil wala pang naibibigay na certificate of analysis ang DOH para sa mga dumating na Sinovac vaccines.

Kasabay naman nito ang pagpuri ng Malakanyang sa mga lokal na pamahalaan na mabilis na naikakasa ang vaccination rollout.

“Well ang galing po talaga at nagko-congratulate kami sa ating LGUs dahil sa napakabilis po talaga nilang magbakuna and at the same time humihingi po kami abiso, nandiyan naman po iyong bakuna,” sabi pa ni Roque.

Ibinahagi niya na may plano na ipamahagi na rin ang mga dumating na bakuna habang hinihintay ang kinakailangan na sertipikasyon.

Read more...