‘Resign Duque calls’ ginawa ng healthcare workers sa rally para sa kanilang allowances

CHONA YU / INQUIRER RADIO ONLINE PHOTO

Maagang kinalampag ng healthcare workers ang Department of Health (DOH) para sa hindi pa naibibigay sa kanilang meal, accommodation and transportation allowances.

Bunga nito, kabilang sa kanilang inihirit ay ang pagbibitiw na sa puwesto ni Health Sec. Francisco Duque III, na isinalarawan nilang inutil.

Nagkaisa ang mga nakibahaging grupo ng healthcare workers na batid nila ang nailaan na P115.2 milyon para sa karagdagan nilang allowances at benepisyo.

Nadamay din si Pangulong Duterte sa ngitngit ng healthcare workers at ayon kay  Robert Mendoza, pangulo ng Alliance Health Workers, walang malasakit sa kanila ang Punong Ehekutibo.

Pagdidiin niya, labis-labis ang kanilang pagkadismaya dahil hindi nasusuklian ang ginagawa nilang mga pagsasakripisyo para pangunahan ang pagharap ng gobyerno sa pandemya dulot ng COVID 19.

Noong nakaraang linggo, ay nagsagawa na sila ng katulad na kilos-protesta sa harapan ng punong tanggapan ng DOH sa Maynila.

Read more...