22,800 doses ng Moderna COVID-19 vaccines, dumating na sa Sta. Ana Hospital

Manila PIO photo

Dumating na ang 2,280 vials ng bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng Moderna, Inc.

Ayon sa Manila Public Information Office, dumating ang bakuna sa Sta. Ana Hospital dakong 6:10, Martes ng gabi.

Katumbas ng 2,280 vials ang 22,800 doses ng bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Sa huling datos hanggang 12:00, Martes ng tanghali, nasa 1,066 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Manila PIO photo
Read more...