Inihayag ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maaring dagdagan ang mga dadalong bisita sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26, 2p21.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, pinag-aaralan na itaas sa 150 hanggang 200 ang bilang ng guests makakapasok sa plenaryo.
Maliban dito, plano ring i-adjust ang set-up ng mga ookupa sa plenaryo kung saan ang mga senador at ibang miyembro ng Kamara ay sa plenaryo at first gallery habang ang iba pa ay nasa second gallery.
Titiyakin aniyang fully vaccinated ang lahat ng papasok sa plenaryo.
Upang matiyak na walang maysakit na makakapasok, hihingan pa rin ng RT-PCR test result at sasailalim sa rapid test ang mga dadalo.
Posibleng ang government media pa rin ang papayagang mag-cover sa SONA tulad noong nakaraang taon.
Dagdag pa ni Mendoza, wala pang direktor para sa SONA at Palasyo na ang bahala rito dahil ang Kamara at Senado natoka sa paghahanda.