BREAKING: Active COVID-19 cases sa Pilipinas, nasa higit 50,000; 4,479 ang bagong naitala

Lagpas 4,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (June 29), pumalo na sa 1,408,058 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 50,037 o 3.6 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,479 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

90.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.4 porsyento ang asymptomatic; 1.54 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 101 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 24,557 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,471 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,333,464 o 94.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...