LOOK: Mga PCG personnel ng BRP Gabriela Silang, nagsagawa ng general quarters drill

PCG photo

Nagsagawa ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ng BRP Gabriela Silang ng general quarters drill sa Western Visayas.

Isinagawa ang naturang exercise sa karagatang sakop ng Panay Island, araw ng Martes (June 29).

Isinasagawa ang general quarters drill upang matiyak ang kahandaan ng barko at mga crew member nito.

Sa kasagsagan ng exercise, lahat ng nakasakay na personnel ay kailangang dumaan sa kanilang stations.

PCG photo
Read more...