141 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 141 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (June 29), 27,751 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,764 ang aktibo pang kaso.

165 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 25,914 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 73 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...