Sen. Win Gatchalian nababahala sa pagsasara ng tatlong power plants sa Benguet

(Senate PRIB)

Pinakikilos ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) para maresolba ang mga isyu kaugnay sa pagtigil ng operasyon ng tatlong hydroelectric power plants sa Benguet.

Nababahala si Gatchalian sa magiging epekto nito ngayon may banta pa rin ng yellow at red alerts sa suplay ng kuryente.

Pagdidiin niya dapat ay sinisiguro ng DOE na gumagana ang lahat ng planta ng kuryente dahil nagpapatuloy ang laban sa pandemya.

Una nang inisyuhan noong Hunyo 22 ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Cordillera ng cease and desist order ang Hedcor, ang operator ng Labay, Lon-oy at FL Singit hydropower plants sa Bakun, Benguet.

Ang kautusan ay nag-ugat sa mag isyu ng pagpayag ng mga katutubong tribu sa operasyon ng tatlong planta.

Nakasaad sa  Indigenous People’s Rights Act of 1997 (IPRA), makakuha lang ang mga project developers ng permits at lisensiya kapag sila ay nabigyan ng  Certification Precondition (CP) ng NCIP, na katibayan ng pagpayag ng mga katutubo sa proyekto.

Sinabi ni Gatchalian na kailangan ay kumilos na agad ng DOE at balansehin ang mga interes ng dalawang panig.

Read more...