GCQ with restrictions sa Metro Manila inihirit ng IATF na ituloy hanggang July 15

Inirekomenda ng Inter Agency Task Force (IATF) na ituloy hanggang sa darating na July 15 ang pagpapairal ng general community quarantine (GCQ) with restrictions sa Metro Manila.

Ayon kay Health Secretary Francisco  Duque kasama sa nais ng IATF ang mga lalawigan ng Bulacan at Rizal, samantalang GCQ with heightened restrictions naman ang paiiralin sa Laguna at Cavite.

Magugunita na binuo ang NCR Plus bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal noong Marso dahil sa pagsirit ng COVID-19 cases, ngunit binuwag na ito nang bumaba na ang mga kaso sa National Capital Region.

Samantala, inirekomenda naman na sa buong buwan ng Hulyo ay pairalin ang GCQ sa ilang mga pangunahing lalawigan at lungsod, kasama na ang mga kilalang tourist destinations;

1.   Baguio City

2.   Ifugao

3.   City of Santiago, Isabela

4.   Nueva Vizcaya

5.   Quirino

6.   Batangas

7.   Quezon

8.   Guimaras

9.   Aklan

10. Bacolod City

11. Negros Occidental

12. Antique

13. Capiz

14. Zamboanga Sibugay

15. City of Zamboanga

16. Iligan City

17. General Santos City

18. Sultan Kudarat

19. Sarangani

20. Cotabato

21. South Cotabato

22. Agusan del Norte

23.  Surigao del Norte

24.  Agusan del Sur

25. Cotabato City

Samantala, ang mga lugar na mataas pa rin ang bilang ng mga kaso ay inirekomenda  na sumailalim sa mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ);

1.   Cagayan

2.   Apayao

3.   Bataan

4.   Lucena City

5.   Puerto Princesa

6.   Naga

7.   Iloilo City

8.   Iloilo

9.   Negros Oriental

10.               Zamboanga del Sur

11.               Zamboanga del Norte

12.               Cagayan de Oro City

13.               Davao City

14.               Davao Oriental

15.               Davao Occidental

16.               Davao de Oro

17.               Davao del Sur

18.               Davao del Norte

19.               Butuan City

20.               Dinagat Islands

21.               Surigao del Sur

Ang mga natitirang lugar naman ay mananatili sa modified general community quarantine o MGCQ.

Read more...