Tutol ang kongresista sa panukala dahil ito aniya ay isang “bloody disaster” na naghihintay lamang na mangyari.
Giit ng kongresista, magdudulot ito ng kapahamakan at pagtaas ng kaso ng extrajudicial killings sa bansa.
Kung papayagan ang paghawak ng armas ng anti-crime volunteers, sinabi ni Zarate na posibleng maging talamak ang “gun abuse” at dumami ang kaso katulad nang kay dismissed Staff Sergeant Jonel Nuezca noong December 2020 na pumatay ng mag-ina sa Tarlac at dismissed Police Master Sergeant Hensie Zinampan na pinagbabaril ang isang lola sa Quezon City.
Dagdag pa ng mambabatas, sa ngayon ay maraming kaso ng mga pulis at sundalo na nagwawala at inabuso ang paggamit ng baril, hindi hamak na mas delikado itong ipagkatiwala sa mga taong hindi bihasa.
Giit nito, mas kailangan ng mamamayan sa ngayon ay mabilis na vaccine roll out at ayuda sa gitna ng pandemya.