Pagbibigay ng Sinovac vaccine sa mga kabilang sa A1 hanggang A4 categories, sinuspinde sa Taguig

WHO Philippines photo

Pansamantalang sinuspinde ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac sa mga indibiduwal na kasama sa A1 hanggang A4 priority groups sa Taguig City.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, base sa Taguig Vaccination Task Force memo na may petsang June 28, 2021, suspendido ang lahat ng Sinovac vaccinations para sa first at second dose simula sa araw ng Lunes.

“Until further notice” aniya epektibo ang suspensyon nito.

“We will resume as soon as we receive the proper documents from the Department of Health for the latest shipment of vaccines, which we already have in our cold storage facility,” saad ng alkalde.

Mahigpit aniya silang nakikipag-ugnayan sa kagawaran para agad maibalik ang pagbabakuna.

Tiniyak ni Cayetano na ang mga indibiduwal na naka-schedule sa araw ng Lunes (June 28) ay mare-reschedule.

“Those who are scheduled to receive their second dose today will be prioritized once we resume vaccination,” pahayag nito.

Hinimok ng alkalde ang mga residente na antabayanan ang mga susunod na anunsiyo sa I Love Taguig Facebook page at TRACE Taguig Facebook page.

Magpapadala aniya ng text reminder mula sa sa TAGUIG INFO upang mabigyan ng gabay sa vaccination.

Read more...