Inayos ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA), ang isang repatriation flight upang makauwi ng Pilipinas ang 301 distressed overseas Filipino workers mula sa Riyadh, Saudi Arabia.
“In the spirit of continuing service to our kababayan, we will go the distance towards facilitating the return of these bagong bayani who have given so much to the country, and whose sacrifices animate and inspire the whole of the Philippine government,” pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola.
Nakatanggap ang kwalipikadong repatriates ng P10,000 financial assistance.
Bago makapiling ang mga kaanak, dadaan muna ang repatriates sa quarantine alinsunod sa health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH) – Bureau of Quarantine (BOQ) at sasailalim sa RT-PCR Testing para sa COVID-19.
Tiniyak ng kagawaran na patuloy nilang isasagawa ang One-Country Team Approach (OCTA) para masiguro ang kaligtasan ng mga kapwa Filipino sa ibang bansa.