78 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 78 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (June 28), 27,622 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,788 ang aktibo pang kaso.

57 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 25,761 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 73 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...