Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 181.87 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 181.87 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 181,871,502 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,494,677 cases.

Sumunod na rito ang India na may 30,279,331 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 18,420,598 naman ang kaso sa Brazil habang 5,770,021 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 5,451,291
– Turkey – 5,409,027
– United Kingdom – 4,732,434
– Argentina – 4,405,247
– Italy – 4,258,069
– Colombia – 4,158,716
– Spain – 3,782,463
– Germany – 3,734,472
– Iran – 3,167,741

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,939,215 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 166,388,228 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...