Pilipinas, may Moderna COVID 19 vaccines na; karagdagang 1M Sinovac doses dumating din

Walong oras lang ang pagitan ng pagdating sa Pilipinas ng kauna-unahang batch ng Moderna COVID 19 vaccines, gayundin ng karagdagang isang milyong doses ng Sinovac vaccines.

Alas-11 kagabi nang lumapag sa NAIA Terminal 3 ang Singapore Airlines flight SQ918 na may karagdang 249,600 doses ng Moderna.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., 150,000 doses ng Moderna ay mapupunta sa gobyerno, samantalang ang 99,600 doses naman ay sa pribadong sektor.

Dagdag pa niya, prayoridad pa rin ang Metro Manila at iba pang highly urbanized areas sa bigayan ng Moderna vaccines sa katuwiran na kailangan pa nilang pag-aralan ang pang-limang brand ng COVID 19 vaccines na mayroon na ang Pilipinas.

Nabanggit din niya karamihan din sa Moderna vaccines ay ituturok sa Filipino seafarers at OFWs.

Samantala, alas-7:30 ngayon umaga nang dumating ang karagdagang isang milyong doses ng Sinovac vaccine, na sakay ng Cebu Pacific flight.

Bukod kay Galvez, kasama sa mga sumalubong sa mga bakuna na mula sa China sina Health Sec. Francisco Duque III, testing czar Vince Dizon at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Read more...