90 na bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa PNP

Aabot sa 90 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa hanay ng Philippine National Police.

Batay sa talaan ng PNP Health Service, nasa 27, 544 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa pambansang pulisya.

Sa naturang bilang, 1,767 ang active cases habang 25,704 naman ang naka-rekober.

Nanatili naman sa 73 ang bilang ng mga nasawi.

Base sa pinahauling talaan ng Department of Health, nasa 1,391,911 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Sa naturang bilang, 1,314,220 ang naka-rekober habang 24,224 ang namatay.

 

Read more...