Pangulong Duterte, tinawagan sa telepono ang pamilya Aquino

Photo by Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Tinawagan sa telepono ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya Aquino.

Ito ay para personal na ipaabot ang kanyang pakikiramay sa pamilyang naulila ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Senador Bong Go, nakausap ng Pangulo ang magkapatid na Ballsy at Kris Aquino.

Ayon kay Go, ipinaabot na rin niya ang kanyang pakikiramay sa pamilya Aquino.

Kasabay nito, umapela si Go na isantabi na muna ang pulitika dahil panahon ngayon ng pagluluksa ng bansa.

Ayon kay Go, maganda ang pagkakaibigan nina Aquino at Pangulong Duterte.

Katunayan, sinabi ni Go na sinuportahan noon ni Pangulong Duterte ang pagkandidatong pangulo ni Aquino noong 2010 elections.

Read more...