Malita, Davao Occidental nilindol; Intensities, naitala sa ilang karatig-bayan

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Davao Occidental, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 9 kilometers Southwest ng Malita dskong 5:06 ng hapon.

May lalim ang lindol na 15 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang intrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity I – General Santos City; Malungon, Sarangani

Sinabi ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala at aftershock matapos ang pagyanig.

Read more...