Patuloy na umiiral ang Southwest Monsoon o Habagat sa Northern at Central Luzon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, mararanasan ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Ilocos region, Central region, Calabarzon, Metro Manila at Mindoro provinces bunsod ng Habagat.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa maliban na lamang sa pulo-pulong pag-ulan.
Samantala, nasa typhoon category na ang binabantayang bagyo sa labas ng bansa.
Huling namataan ang sentro ng Typhoon Champi sa layong 1,770 kilometers Silangan ng extreme Northern Luzon bandang 3:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong North Northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sinabi ni Ordinario na hindi na inaasahang papasok ng teritoryo ng bansa ang nasabing bagyo.
Ngunit patuloy aniyang babantayan ang galaw ng bagyo sa mga susunod na araw.