Ayon sa MMDA, magsisimula ang road repair sa 11:00, Biyernes ng gabi (June 25).
Narito ang mga aayusing kalsada: 1. Bahagi ng EDSA malapit sa corner Kaingin Road, Quezon City
2. C5 Road- bago ang P. Tuazon (second lane mula sa sidewalk); Before B. Serrano (third lane mula sa sidewalk)
3. C5 Road bago ang Rajah Matanda (third mula sa sidewalk)
Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.
Muling bubuksan ang mga apektadong kalsada sa 5:00, Lunes ng madaling-araw, June 28.
Samantala, magsasagawa rin ang Manila Water Company ng leak repair, maintenance at rehabilitation works sa Katipunan Avenue corner Aurora Boulevard, Loyola Heights mula June 26 hanggang July 18.