Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na maari nang magsimula ng klase ang mga pribado at non-DepEd na pampublikong paaralan para sa School Year 2021-2022.
Ginawa ng DepEd ang anunsiyo sa pamamagitan ng inilabas na abiso na may petsang June 23, 2021 at pirmado ni Education Secretary Leonor Briones.
Sinabi ng kagawaran na bawal pa rin ang face-to-face classes at mahigpit na ipatutupad ng mga paaralan ang distance learning modalities.
Para naman sa mga pribado at non-DepEd public schools na nais nang magsimula ng klase nang mas maaga, kailangang magsumite ng mga dokumento sa Regional Director bilang tugon sa DepEd Order No. 13, s. 2020 at DepEd Order No. 17, s. 2020 on readiness assessment.
MOST READ
LATEST STORIES