Ginawa ang inagurasyon sa demo unit ng pinakabago at digital na modular on-farm solar-powered cold storage na mula pa sa bansang India sa DA Agriculture Training Institute (ATI Building), Elliptical Road, Quezon City.
Personal itong pinangasiwaan Ecofrost Technologies India president Mr. Ravindra Dolare at Arch. Ray Francis Diaz, Chief Executive Officer of Next Agri Corp Philippines.
Ayon kay Dar, ang mga magsasaka sa bansa ang makikinabang sa solar-powered unit.
Wala na kasi aniyang dagdag gastos sa kuryente.
“Like other developing countries, the Philippine agriculture sector has been suffering from the high post-harvest losses. In the high-value crops alone, the losses can easily reach 20% to 40%,” pahayag ni Dar.
Malaking tulong aniya ito sa mga magsasaka sa mga malalayong lugar na hindi abot ng kuryente.
Hindi maikakaila na dahil sa kawalan ng storage facility, napipilitan ang mga magsasaka na ibenta na lamang sa murang halaga ang mga produkto kaysa sa pabayaang mabulok o hindi kaya ay mabiktima ng mga mapagsamantalang megosyante na nag-aalok ng loan sharks dahilan para mawalan ng kita ng hanggang 50 porsyento.
“With the collaboration of Next Agri Corporation Philippines Inc., a Filipino corporation, which is developing innovative, sustainable and affordable post-harvest technologies and cold-storage supply chain solutions to double the income of our Filipino farmers and fisherfolk, Ecozen Solutions Private Ltd., India, an internationally recognized Indian agri-tech company and modular cold storage leader, these problems could now be addressed, thanks to these on-farm solar powered cold storage,” pahayag ni Dar.
Dumalo rin sa naturang okasyon si
India’s ambassador to the Philippines, Shambu S. Kumaran.