BREAKING: Naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 1.38-M na; 6,812 ang bagong naitala

Lagpas 6,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (June 25), pumalo na sa 1,385,053 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 55,293 o 4.0 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 6,812 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

90.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.6 porsyento ang asymptomatic; 1.35 porsyento ang moderate; 1.9 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 115 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 24,152 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 2,867 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,305,608 o 94.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...